Umano'y lider ng NPA, sumuko sa militar sa Ormoc City

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Apr 02 2019 07:18 PM

ORMOC CITY - Sumuko sa militar ang isang umano'y lider ng New People's Army (NPA) sa Ormoc City.

Ayon sa militar, sumuko nitong Biyernes si alyas "Rolando" habang nagsasagawa ng operasyon ang militar sa Calubian, Leyte.

Miyembro umano ng executive committee ng Leyte ng NPA si Rolando. Commanding officer din umano siya ng Apoy Platoon.

Isinuko din niya sa militar ang isang kalibre .45 baril at mga bala, apat na M-16 rifles, dalawang improvised explosive device (IED), cellphone at iba pang mga gamit at dokumento.

Kasalukuyan nang ipinoproseso ang mga dokumento para mapasama ang sumukong rebelde sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.