Ikinabahala ng mga residente sa bayan ng Lobo sa Batangas ang presensya ng isang Chinese dredging vessel na namataan noong Huwebes ng gabi sa dagat na tanaw ng kanilang bayan. screengrab
Ikinabahala ng mga residente sa bayan ng Lobo sa Batangas ang isang Chinese dredging vessel na namataan noong Huwebes ng gabi sa dagat na tanaw ng kanilang bayan.
Pangamba ng mga residente na baka magbagsak ng droga o hindi maganda para sa kanila ang pagtigil ng barko.
Agad itong pinuntahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office, Lobo police, at Philippine Coast Guard.
Ayon sa Lobo police, nakausap nila ang mga crew ng barko at napag-alamang nagkamali ng coordinates ang barko sa lugar kung saan sila pinahihintulutang maglagi.
Wala rin anilang nakikitang bakas ng aktibidad sa mismong barko o kahit mga bagay na drinedge.
Pinapaalis na sa lugar ang barko pero bahagya lang umano ito lumayo.
Wala naman daw mayor's permit ang barko para mag-dredge sa lugar.
Nananatili pa rin sa bayan ang naturang vessel, bagay na binabantayan ng mga residente at lokal na pamahalaan.
-- Ulat ni Kevin Dinglasan, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, Batangas, China, Chinese vessel, Philippine Coast Guard, Bandila, DZMM, Teleradyo