4 na heavy equipment, sinilaban sa Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Apr 02 2019 10:30 AM

Samar PPO

MOTIONG, Samar – Sinilaban ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang 4 na heavy equipment sa dalawang barangay sa nasabing bayan, Lunes ng umaga.

Ayon sa impormasyon mula sa Police Regional Office 8, pagmamay-ari ng 3S Marias Construction ang mga heavy equipment.
 
Kabilang sa mga sinunog ng grupo ay isang cement mixer sa Barangay Caranas; at dalawang backhoe at isang road roller sa Barangay Hinicaan.

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente upang matukoy ang motibo at ang kung sino ang nasa likod nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.