4 huli sa pagnakaw, pag-'chop-chop' ng mga motorsiklo sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Apr 02 2019 03:51 PM | Updated as of Apr 02 2019 08:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naaresto noong Lunes ang apat na lalaki sa Bulacan dahil sa umano ay pagnanakaw at pagcha-chop-chop ng mga motorsiklo.

Dalawa sa mga suspek ay nahuli sa entrapment operation sa bayan ng Angat habang ang natitirang 2 suspek ay sa follow-up operation sa bayan ng Baliuag.

May nakuha ring mga baril at live ammunition sa mga suspek.

Iniimbestigahan ng mga pulis kung may iba pang kasabwat ang mga suspek.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong carnapping, illegal possession of firearms, at paglabag sa Omnibus Election Code dahil sa umiiral na gun ban. --Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.