2 pulis sugatan sa pananambang sa Sulu

Maan Macapagal, ABS-CBN News

Posted at Apr 02 2019 04:04 PM

PATIKUL, Sulu - Sugatan ang 2 pulis ng bayan na ito matapos tambangan ng nasa 15 armadong lalaki sa Barangay Kan Ague, Martes. 

Nagsilbing security escort sa mga pampublikong guro ang 2 pulis patungong Barangay Taung nang mangyari ang pamamaril, ayon kay Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Western Mindanao Command ng militar. 

Inaalam pa aniya kung anong grupo ang responsable at ano ang motibo sa pananambang. Tinitingnang anggulo ng militar ang posibleng planong pag-kidnap ng mga gunman sa mga guro. 

Nakatakdang i-airlift ng Joint Task Force Sulu sa Zamboanga City ang isa sa 2 pulis na nasa kritikal na kalagayan. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.