8,994 iskolar ng DOST, may free tuition, roundtrip pasahe, allowance na P7,000

ABS-CBN News

Posted at Apr 02 2018 06:05 PM | Updated as of Apr 02 2018 08:23 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Halos 9,000 estudyante ang papasok ng kolehiyo bilang iskolar ng Department of Science and Technology - Science Education Institute (DOST-SEI).

Base sa inilabas na impormasyon ng DOST-SEI, 5,172 sa 8,994 na nakapasa sa scholarship program ay "gifted students who belong to economically disadvantaged families" o mga estudyanteng may kakayahan pero kapos ang perang pantustos sa pag-aaral.

Umabot naman sa 3,822 ang pumasa sa DOST-SEI merit scholarship program.

Bukod sa subsidyo sa matrikula, mayroon pang ayudang P7,000 kada buwan ang mga iskolar.

Mayroon din silang book allowance, P.E. clothing allowance, at sasagutin din ang isang roundtrip na pamasahe nila kada taon kung ang estudyante'y mag-aaral sa labas ng kaniyang probinsiya.

Ayon sa DOST-SEI, pinakamataas na bilang ng mga naging kalipikadong iskolar ang naitala ngayong taon mula nang simulan ang scholarship program noong 1958.

Dalawang taon ding walang naging iskolar ang naturang programa kasabay ng pagpapatupad ng K-12 curriculum.

Inaasahan ng pamunuan ng DOST-SEI na ang kanilang scholars ay magiging susi sa lalong pag-unlad ng bansa sa hinaharap.

-- May ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.