PatrolPH

Suspek sa pagpatay ng estudyante sa Cavite dorm huli na

Michael Joe Delizo, ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2023 12:32 PM | Updated as of Apr 01 2023 01:01 PM

CAVITE — Nahuli na ang suspek sa pagnanakaw at brutal na pagpatay sa 22-anyos na graduating student ng De La Salle University-Dasmariñas na si Queen Leanne Daguinsin, 4 na araw matapos ang krimen.

Ayon kay Philippine National Police spokesperson Jean Fajardo, nahuli bandang alas-10 ng umaga ngayong Sabado ang suspek at dinala sa Dasmariñas Police Station.

Tumakas noon ang suspek, pero matapos ang backtracking sa mga CCTV sa kanyang dinaanan ay nakuha ang kanyang pagkakakilanlan. 

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.