Members of the Philippine National Police led by Regional Director of the National Capital Region Police Major General Edgar Alan O Okubo, conduct an inspection of a provincial bus terminal in Cubao, Quezon City ahead of the start of Holy Week on April 1, 2023. Thousands of Filipinos are expected to flock to the provinces to mark the most sacred week in the liturgical year during the extended holiday. Maria Tan, ABS-CBN News
MAYNILA -- Maayos pa ang sitwasyon sa mga bus terminal at mga pantalan, ayon kay National Capital Region Police Office Chief Major General Edgar Alan Okubo.
Ito ay matapos mag-ikot si Okubo sa mga bus terminal kabilang ang Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX), 5 Star Bus Terminal at DLTB Bus Terminal sa Pasay, at Northport Passenger Terminal sa Maynila.
"We find the situation normal and calm as of this hour except sa DLTB Pasay where we had a conversation with the dispatcher and management, nag-increase na po ang nga pasahero," ayon kay Okubo.
"Sa port terminal, nakita natin na normal pa, sabi ng management, magdagsaan iyan by Monday or Tuesday next week. By that time we will be fully ready with the deploymenyt of our personnel," dagdah ng NCRPO Chief.
Aabot umano sa 10,800 ang mga magbabantay sa mga bus terminal at mga pantalan, kabilang dito ang mahigit anim na libong tauhan ng Philippine National Police na sasamahan ng mahigit apat na libong force multiplier
Nagpaalala rin si Okubo sa nga pasahero para matiyak ang kaligtasan ng mga ito at kanilang mga ari-arian ngayong Semana Santa.
"Ihabilin yung mga bahay nila sa mga kapitbahay na katiwala nila para tingnan, para maiwasan po iyong akyat bahay," aniya.
"We also included that sa deployment, mga residential, mga barangay, kasama rin po iyan sa police visibility patrols natin " pagtitiyak ni Okubo.
Samantala, nakapagtala naman ng 24,267 pasahero ang Paranaque Integrated Terminal Exchange, kung saan karamihan ang mga pasahero ang papuntang Bicol Region, Visayas, and Mindanao bago mag-Holy Week.
Nasa 130,000 hanggang 150,000 pasahero ang inaasahang pupunta sa PITX sa Semana Santa.
--May ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.