Rumesponde ang mga otoridad sa Lamitan City, Basilan matapos makatanggap ng tawag na may hinihinalang bomba na iniwan sa tabi ng daan sa boundary ng barangay Ubit at Sengal, Sabado ng hapon.
Ayon kay Police Lt. Col. Arlan Dalumpines, chief of police ng Lamitan City Police Office, nakita ng Provincial EOD and Canine Unit (PECU) ang isang battery bank ng isang laruan na may mga wire.
Agad itong dinisrupt ng PECU bilang bahagi ng kanilang safety procedure.
Ayon kay Dalumpines, hindi ito matatawag na improvised explosive device dahil wala itong ibang explosive component o triggering device.
Posible umanong nahulog o itinapon lamang ito sa lugar.
Wala naman umanong mga bahay sa magkabilang bahagi ng daan.
-- Ulat ni Queenie Casimiro
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.