PatrolPH

Ama sugatan matapos tagain ng anak

ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2022 07:34 PM

BAYAMBANG, Pangasinan — Malubhang nasugatan sa tiyan ang isang 49-anyos na ama matapos siyang tagain ng kaniyang 21-anyos na anak sa bayan na ito nitong Biyernes. 

Ayon sa pulisya, unang nagtalo ang mag-ama, na nauwi sa suntukan.

Nakakuha umano ng karit ang anak at dito na niya tinaga ang ama. 

Sa tindi ng pagkakataga nito ay lumabas ang bituka ng ama. 

Parehong nasa impluwensya ng alak ang mag-ama nang mangyari ang away. 

Nasampahan na ng kasong frustrated parricide ang suspek.

Nagpapagaling pa sa ospital ang biktima.

—Ulat ni Grace Alba

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.