PatrolPH

Norwegian natagpuang patay sa bahay sa Biliran

ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2021 03:08 PM

Norwegian natagpuang patay sa bahay sa Biliran 1
Photos by Biliran Island.com

Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad ang pagkamatay ng isang lalaking Norwegian sa bayan ng Naval, Biliran.

Kinilala ng pulisya ang biktima bilang si Svein Hakonse, 63 taong gulang at nakatira sa bulubundukin ng Sitio Cahucao sa Barangay Villa Caneja, Naval.

Ayon sa pulisya, alas-10:25 ng gabi noong Miyerkoles nang matagpuan ang biktima na wala nang buhay at may tama ng bala sa panga.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilalan ng salarin.

-- Ulat ni Ranulfo Docdocan

FROM THE ARCHIVES:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.