PatrolPH

Negosyante sugatan matapos tambangan sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2021 04:09 PM

Negosyante sugatan matapos tambangan sa Davao City 1
Bumangga ang sasakyan sa isang bahay sa Lanang, Davao City noong Marso 31, 2021 matapos tambangan ng lalaking nakasakay ng motorsiklo. Retrato mula sa Davao City Police

DAVAO CITY — Sugatan ang isang 32 anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman sa Barangay Angliongto sa lungsod na ito gabi ng Miyerkoles.

Ayon sa pulisya, nagmamaneho ang biktimang si Kelvin Jake Flores ng kaniyang pick-up nang biglang pagbabarilin ng lalaking nakasakay ng motorsiklo sa may Belisario Village.

Sa driver's side umano bumaril ang salarin kaya nagtamo ng maraming tama si Flores.

Dahil hindi makamaneho nang maayos, bumangga rin ang saskayan ni Flores sa isang bahay pero walang ibang nasugatan.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima.

Tatlong basyo ng bala ng caliber .45 ang nakita sa crime scene.

Posibleng may kinalaman sa negosyo ng biktima ang motibo ng pamamaril, base sa paunang imbestigasyon ng kapulisan.

— Ulat ni Chrislen Bulosan

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.