Mga inmate sa Legazpi City, nagsagawa ng 'Pabasa'

ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2021 11:54 PM

Larawan mula sa BJMP Legazpi

Kahit nasa loob ng piitan, sama-samang isinagawa ng ilang inmate sa Legazpi City Jail sa Albay ang tradisyon ng "Pabasa" tuwing Semana Santa.

Alas-sais nitong Huwebes ng gabi sinimulan ang "Pabasa" na inaasahang matatapos Biyernes na ng madaling araw.

Larawan mula sa BJMP Legazpi

Ayon kay jail warden Senior Inspector Ralph Bobis, taunan ng ginagawa ang "Pabasa" sa piitan kaugnay ng Semana Santa. 

Paraan para na rin mas mapalakas ang pananampalataya sa Dios ng mga inmate at adhikaing makapagbagong buhay. Ulat ni Karren Canon

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.