Magsasaka patay matapos kumain ng puffer fish sa S. Leyte

ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2021 03:14 PM

Puffer fish na nakalason sa isang magsasaka sa bayan ng Hinunangan, Southern Leyte matapos nitong kainin ang isda. Retrato mula sa Hinunangan Municipal Police Station.

Patay ang isang magsasaka sa bayan ng Hinunangan, Southern Leyte matapos malason sa kinaing puffer fish nitong Miyerkoles.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Dario Bacus, 39 anyos na magsasaka sa Barangay Union.

Sa imbestigasyon, umuwi ng bahay bandang alas-7 ng gabi noong Martes ang biktima na may dalang isang kilong puffer fish, na kaniyang niluto at kinain.

Gumising muli umano ng alas-4 ng madaling araw noong Miyerkoles ang biktima at muling niluto ang isda.

Pinuntahan ng pulisya ang bahay ng biktima matapos makatanggap ng ulat mula sa Hinunangan emergency response team.

Sa examination sa bangkay, lumalabas na nalason ang biktima at walang nakitang foul play.

– Ulat ni Ranulfo Docdocan

FROM THE ARCHIVES:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.