PatrolPH

5 arestado sa Tagum drug bust

ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2021 05:15 PM

5 arestado sa Tagum drug bust 1
Ebidensiyang nakuha sa buy-bust operation sa Tagum City noong Marso 31, 2021, kung saan 5 tao ang naaresto. Retrato mula sa Philippine Drug Enforcement Agency Davao Region

TAGUM CITY – Timbog ang 5 tao sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Tagum City nitong Miyerkoles.

Nagkasa ng operasyon sa isang sinasabing drug den sa Barangay San Isidro matapos makatanggap ng sumbong mula sa concerned citizen ang lokal opisina ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Target ng operasyon ang isang 34 anyos na lalaking binilhan umano ng mga operatiba ng 2 sachet ng shabu sa halagang P11,000.

Kasamang nahuli ang 4 na iba pa na nasa drug den dahil umano sa paggawa at paggamit ng ilegal na droa.

Narekober sa mga suspek ang 10 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P255,000, drug paraphernalia, at baril na may lamang bala.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- Ulat nina Chrislen Bulosan at Francis Magbanua

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.