2 sugatan sa pagsabog sa Cotabato City

ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2021 11:32 PM

COTABATO CITY    - Natigil pansamantala ang misa sa San Roque Church sa Mother Barangay Bagua, Cotabato City nitong Huwebes kasunod ng pagsabog pasado alas-6 ng gabi malapit sa dating tanggapan ng Police Station 4 ng lungsod na ilang metro ang layo mula sa parokya.

Dalawa sugatan sa pagsabog na kinilalang sina Marguina Kalim at Azmad Cader. 

Agad naman na isinugod ng mga otoridad sa Cotabato Regional and Medical Center ang mga biktima. 

Sa ginawang pag-iikot ng mga awtoridad sa lugar, dalawa pang pampasabog ang kanilang natagpuan na malapit lamang sa unang pinangyarihan ng pagsabog. 

Matagumpay naman itong na-disrupt ng Ordinance Disposal Team ng Cotabato City PNP at 6th Infantry Division EOD.
 
Patuloy naman na inaalam ng mga awtoridad kung anong uri ng pampasabog ang ginamit at kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog. Ulat ni Lerio Bompat

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.