PatrolPH

2 babae arestado sa estafa sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2019 04:12 PM | Updated as of Apr 01 2019 10:57 PM

Naaresto nitong Lunes ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 2 babae na pinagbibintangang tumangay ng tinatayang P11 milyon sa mga biktimang pinangakuan umano ng tubo sa negosyong rice mill at palay.

Watch more on iWantTFC


Dinampot ng mga awtoridad sa isang coffee shop sa Quezon City sina Christine Sillano at Mary Grace Gutierrez matapos tanggapin ng mga ito ang perang hinihingi nila sa nagreklamong biktima.

Inaalam ng mga awtoridad kung may iba pang kasabwat ang mga nahuli.

Mahaharap sa kasong estafa ang 2 suspek. 

Nanawagan din ang CIDG-Quezon City sa iba pang biktima na magtungo sa kanilang tanggapan para magsampa ng karagdagang kaso sa mga suspek.

--Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.