2 flights ng PAL Express, kinansela

Alex Calda, DZMM

Posted at Apr 01 2017 11:30 AM

MANILA - Dahil sa masamang lagay ng panahon, kinansela ang ilang domestic flights ng PAL Express, Sabado ng umaga.

Base sa advisory ng Manila International Airport Authority (MIAA) Public Affairs Division, ang mga kanseladong flights ay ang 2P 2084 at 2085, biyaheng Manila-Basco-Manila.

Pinayuhan ang mga apektadong pasahero na makipagugnayan sa nasabing airline.

Ayon sa PAGASA, makakaranas ng maulap na kalangitan na may pulu-pulong mahihinang mga pag-ulan ang mga lalawigan ng Ilocos Norte, Batanes at Cagayan kasama ang mga isla ng Calayan at Babuyan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.