TFC News

PH exporters nakilahok sa Gulfood Expo 2023

TFC News

Posted at Mar 31 2023 07:27 AM

DUBAI - Nakilahok kamakailan ang ilang Phiilippine manufacturers at exporters sa Gulfood Expo 2023 na ginanap sa World Trade Center sa Dubai. Kilala ito bilang pinakamalaking annual food event sa mundo dahil mahigit 4,000 exhibitors mula sa 120 bansa ang lumalahok sa expo.

Lumahok ang Pilipinas sa ika- 28 edisyon ng Gulfood ngayong taon. Inorganisa ng Philippine Department of Trade and Industry ang partisipasyon ng 18 Philippine manufacturers at exporters sa Gulfood sa ilalim ng FOOD Philippines brand.

12
Amman PE photo

PH manufacturers inimbitahang mamuhunan sa Jordan

Pormal namang inimbitahan ng Philippine Embassy sa Jordan ang Philippine manufacturers at exporters na lumahok sa Gulfood Expo 2023 na mamuhunan sa Jordan sa pagbisita ni Third Secretary at Vice Consul Angeli Payumo ng Philippine Embassy sa Amman sa nasabing expo noong February 21, 2023.

Layon ng imbitasyon na palawigin at pagtibayin ang trade relations ng Pilipinas at Jordan sa posibleng pagdating ng Philippine-made products sa nasabing bansa. Malaki raw ang pangangailan para sa Philippine-made products hindi lang para sa Filipino community sa Jordan kundi sa mas malaking Jordanian market.

“Philippine cuisine and products have a place in Jordan. Our tropical fruits and vegetables, as well as our savory dishes, which have been hailed as world-class, would definitely appeal to the Jordanian palate,” saad ni Payumo.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan Jordan, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.