PatrolPH

Papal nuncio pinangunahan ang anibersaryo ng unang Kristiyanong Misa sa PH

ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2022 03:03 PM

Watch more News on iWantTFC

Bumisita sa Limasawa, Southern Leyte ngayong Huwebes si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown. 

Pinangunahan ni Brown ang ika-501 anibersaryo ng unang Kristiyanong Misa sa Pilipinas.

Dagsa sa event sa Limasawa Island ang maraming Katoliko para gunitain ang pagpapakilala ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Kasabay nito, inordinahan din ang 12 bagong pari ng Diocese of Maasin.

Wala ring pasok sa buong Southern Leyte ngayong Huwebes kasabay ng pagdiriwang.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.