PatrolPH

Delivery rider patay nang pagbabarilin ng nakaalitang guwardiya sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2021 02:11 PM

Delivery rider patay nang pagbabarilin ng nakaalitang guwardiya sa Iloilo 1
Patay ang isang food delivery rider matapos pagbabarilin ng guwardiya ng bangko sa isang mall sa Iloilo City nitong Marso 31, 2021

Patay ang isang food delivery rider nitong umaga ng Miyerkoles matapos pagbabarilin ng nakaalitan niyang guwardiya sa isang mall sa Iloilo City.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima bilang si Jomar Sanchez, na mula sa Jaro. 

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nag-deliver ng in-order na pagkain si Sanchez sa bangko.

Pero nagalit umano sa kaniya ang guwardiya ng bangko matapos mabasa ang lamesa nito nang ilagay ng biktima doon ang pagkain.

Nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng rider at guwardiya hanggang sa bumunot ito ng baril at pinaputukan nang 2 beses ang biktima.

Nakatakbo pa nang ilang metro ang biktima pero hinabol umano siya ng guwardiya at binaril ulit ng 2 beses.

Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa nakatakas na suspek.

– Ulat ni Rolen Escaniel

 FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.