7 biktima ng human trafficking nasagip sa Cagayan de Oro

ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2019 05:47 PM

Nasagip ng mga awtoridad ang pitong menor de edad na babae na pinaniniwalaang biktima ng child prostitution at human trafficking sa isang hotel sa Cagayan De Oro City nitong madaling araw ng Linggo.

Dalawang Chinese at tatlong Pinay naman ang nahuli ng pinagsamang puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Cagayan De Oro City Social Welfare and Development (CSWD).

Iniimbestigahan pa kung may kinalaman ang tatlong Pinay sa pambubugaw sa mga biktima.

Sasailalim sa psycho-social intervention sa ilalim ng CSWD ang pitong biktima.

-- Ulat ni Joey Taguba Yecyec, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.