7 arestado sa buy-bust sa Payatas

Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2018 12:52 AM

MANILA—Arestado ang 7 katao, kabilang na ang mag-live-in partner sa isang buy-bust operation sa Lupang Pangako, Barangay Payatas lungsod ng Quezon Biyernes.

Naaktuhang nagtatarya ng hinihinalang shabu ang mag-live-in partner, habang huli naman sa pot session umano ang 5 iba pa. 

Narekober mula sa mga salarin ang 18 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P40,000.

Ayon kay Police Chief Inspector Sandie Caparroso ng Quezon City Police District Station 6, natanggap nila ang impormasyon tungkol sa mag-live-in partner noong nakaraang linggo.

Ang mga parokyano umano nila ay mga drayber ng bus, nangangalakal ng basura, at mga trabahador.

“Ang style nila ay one-stop shop na sa lugar nila. 'Pag bumili ng shabu, may kasama nang lighter at foil na libre na. 'Pag gusto gumamit, pwede gumamit sa lugar,” ani Caparroso.

Ayon sa isa sa mga salarin na nagbebenta umano ng ilegal na droga, kawalan umano ng hanapbuhay ang kaniyang dahilan.

Depensa pa niya, ginagamit niya umanong gamot ang ilegal na droga.

“Nalulumpo ako, hindi makatayo, makalakad. 'Yan ang ginawa kong gamot, kasi pag bumibili kami ng gamot sa botika matagal ang epekto, pag yan, mabilis,” aniya.

Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga nahuling salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.