10 umano'y nakaw na motor, nasabat sa Bacolod

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2018 09:16 AM

BACOLOD CITY - Sampung hinihinalang nakaw na motorsiklo ang narekober ng mga pulis mula sa isang bakanteng lote sa Barangay 2, Biyernes ng gabi.

Ayon sa tip sa pulisya, pansamantalang inilalagak ang mga sasakyan sa bakanteng lote bago ito ibenta sa labas ng lungsod, ani C/Insp. Benedicto Villarias, hepe ng presinto sa lugar.

Ilan sa mga motorsiklo ay hindi rehistrado, habang ang iba naman ay natanggalan na ng iba't ibang parte.

Pansamantalang dinala ang mga motorsiklo sa himpilan ng pulis sa lungsod kung sakaling i-report o hanapin ng mga nanakawan ang kanilang sasakyan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.