4 kalaboso sa Laoag City dahil sa mahjong

Grace Alba, ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2017 08:48 PM

Ipinagbabawal na sugal ang mahjong, ayon sa PNP.

LAOAG CITY – Arestado ang 4 na magkakapitbahay sa Barangay 44 Zamboanga sa Laoag City matapos silang mahuli ng mga pulis na iligal na nagsusugal noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang apat na sina Jaypee Juan, Roger Galarpis, Avelina Agtang, at Marjorie Reyes.

Sa isinigawang anti-illegal gambling operation ng PNP Laoag City, nahuli ang apat sa aktong paglalaro ng mahjong.

Nakumpiska sa mga inaresto ang ilang upuan, mahigit P900 na hinihinalang pusta, mahjong tiles, at dalawang dice.

Ayon kay Galarpis, alam naman daw ng mga hinuli na bawal ang paglalaro ng mahjong pero nagawa lang nila ito dahil gusto lang nilang maglibang.

Ipinagbabawal na sugal ang mahjong, ayon kay Chief Inspector Rommel Ramos.

Haharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o illegal gambling ang mga inaresto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.