2 lalaki na nabagsakan ng container van sa Maynila

Raya Capulong, DZMM

Posted at Mar 31 2017 06:32 PM

Photo by Raya Capulong, DZMM

MANILA – Nadala na sa ospital ang dalawang lalaki na nabagsakan ng container van sa isang container yard sa Barangay 106, Road 10, sa Tondo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Gagalangin, Tondo na rumisponde sa insidente, habang inaangat ng forklift ang isang container van ay bumigay ang isang bahagi ng forklift, dahilan para mahulog ang container van.

Hindi umano alam ng operator na si Melchor Galla na may tao sa loob ng container van.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga delivery boy na kinilalang sina Jonie Cawili at Elpidio Cabrera.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.