PatrolPH

Umano'y tulak ng droga sa Nueva Ecija, patay sa engkwentro

ABS-CBN News

Posted at Mar 30 2021 09:16 PM


Patay sa engkwentro ang itinuturong talamak na tulak ng droga sa bayan ng Talavera sa lalawigan ng Nueva Ecija nitong Lunes.

Kinilala ang napatay na suspek na si Ronnie dela Cruz, alyas "Ronnie", na nakipagpalitan umano ng putok ng baril sa mga operatiba ng Talavera Municipal Police Station sa isang buy-bust operation sa Barangay Gulod.

Nakuha sa crime scene ang isang baril na walang serial number, mga basyo ng bala, marked money, at sachet ng hinihinalang shabu.

- ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.