PatrolPH

Marawi Mayor Majul Gandamra nagpositibo sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Mar 30 2021 12:52 AM

MARAWI CITY—Inanunsyo ni Marawi Mayor Majul Gandamra nitong Linggo ng gabi na nagpositibo siya sa COVID-19.

Nalaman umano ni Gandamra na nakuha niya ang sakit matapos magpositibo ang resulta ng antigen test na regular niyang ginagawa kada linggo bago siya uuwi sa kaniyang pamilya.

Aniya, nakararanas siya ng mild cough at mild body pain. Nasa isang non-medical isolation unit ngayon si Gandamra. 

 

Nagsimula na ang city health office sa contact tracing sa mga nakasama ni Gandamra sa nagdaang linggo.

Dumalo umano si Gandamra noong Marso 25 sa pag-iinspeksyon ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) Chairman Sec. Eduardo Del Rosario sa most affected area sa Marawi.

Ayon sa city health officials, kasalukuyang may 15 aktibong kaso ng COVID-19 sa Marawi. — Ulat ni Roxanne Arevalo

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.