PatrolPH

Higit 800 violators, naitala sa Cavite, Laguna, Rizal sa unang araw ng ECQ

ABS-CBN News

Posted at Mar 30 2021 07:48 PM

Mahigit 800 ang naitalang lumabag sa enhanced community quarantine sa Cavite, Laguna, at Rizal sa unang araw ng pagpapatupad nito.

Umabot na sa 828 ang naitalang lumabag sa ECQ protocols. Base ito sa tala ng Police Regional Office Region 4A nitong Lunes.

Sa bilang na ito, 726 ang binigyan lamang ng babala, habang 102 ang pinagmulta. Karamihan sa mga ito ay lumabag sa ipinatutupad na curfew ng bawat lokal na pamahalaan.

Samantala, ayon sa Calabarzon Police, nasa halos 400 na personnel ang kanilang ide-deploy para sa paggunita ng Semana Santa.

- ulat ni Andrew Bernardo

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.