MAYNILA - Pansamantalang isinara ang Trabajo Market sa Maynila matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang tindera.
Ayon sa Barangay 456, isang tindera ng baboy ang nagpositibo habang iniimbestigahan ang isang kaanak nito sa posibleng impeksiyon.
Lahat ng kalsada papunta sa palengke ay may harang na at hindi maaaring pumasok ang mga walang mask, quarantine pass at ID.
Si Joey Gregorio ay hindi alam paano papakainin ang kaniyang pamilya dahil unang beses daw isinara ang palengke sa 30 taon niyang pagtitinda rito.
"Wala kaming pagkakakitaan eh. Walang pagkain ang pamilya ko. Ako kaya kong tiisin, eh yung mga bata? Wala namang inaasahan, 'yan lang din," aniya.
Wala pang abiso kung kailan magbubukas ang palengke.
Ayon sa Manila Public Information Office, Sampaloc ang may pinakamaraming confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod sa bilang na 17, habang mayroong 57 persons under investigation dito.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, Manila, Trabajo Market, COVID-19, coronavirus, COVID, coronavirus Philippines update, coronavirus disease Philippines, COVID-19 Philippines update