Pampasabog nahukay sa isang bakuran sa Iloilo

Hernani Escullar, ABS-CBN News

Posted at Mar 30 2020 10:08 PM

ILOILO CITY – Isang lumang mortar shell ang nahukay ng isang 70 anyos na lalaki sa kanilang bakuran sa Barangay Q. Abeto sa Mandurriao, Iloilo City Lunes ng hapon.

Agad na rumesponde ang mga miyembro ng Regional Explosive Ordnance Disposal at Canine Unit 6 upang siguruhing hindi sasabog ang mortar na nahukay ni Ortencio Malones.

“Medyo corroded na siya. Kasi nakabaon siya sa lupa. Ito yung tinatawag natin na unexploded ordnance may tendency na pumutok ‘to kasi complete round pa siya," paliwanag ni PCapt. Hurdan Bacalangco, Chief ng Regional EOD and K9 Unit ng Police Regional Office 6.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng awtoridad ang nasabing mortar cartridge at kanilang idi-dispose para mawala na ang peligrong sumabog pa ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.