2 timbog sa pagbebenta ng overpriced face masks, alcohol sa Las Piñas

ABS-CBN News

Posted at Mar 30 2020 01:38 PM

Retrato mula sa Southern Police District Public Information Office

Arestado ang 2 babae sa Las Piñas noong Linggo dahil sa pagbebenta ng mga overpriced na alcohol at surgical mask, ayon sa pulisya.

Inaresto ng mga tauhan ng Las Piñas police sa entrapment operation bandang 6:30 ng gabi ang mga suspek -- na may edad 27 at 37 -- sa may Barangay Almanza Uno.

Nabawi sa mga suspek ang 16 bote ng alcohol at 5 kahon na may lamang tig-50 piraso ng disposable surgical face mask.

Kada kahon ng face mask ay ibinebenta umano sa halagang P1,500.

Ang isang bote naman ng 500 ml na alcohol ay ibinebenta sa halagang P150 habang ang 150 ml na bote ay ibinebenta sa halagang P50, ayon sa pulisya.

Kakasuhan ang mga suspek ng disobedience to a person in authority at paglabag sa Consumer Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.