PatrolPH

Pagkatay ng pawikan sa Iloilo ikinabahala

Joyce Ann Clavecillas, ABS-CBN News

Posted at Mar 30 2019 05:05 PM

Pagkatay ng pawikan sa Iloilo ikinabahala 1
Larawan mula sa Marine Wildlife Watch of the Philippines

AJUY, Iloilo - Inihayag ng Marine Wildlife Watch of the Philippines ang kanilang pagkabahala at pagkadismaya sa pagkatay sa isang Olive ridley sea turtle sa Barangay Bay-ang sa nasabing bayan.

“It seems success is difficult for the conservation of an endangered species in the Philippines because our citizens are either unaware or refuse to follow the law and our government cannot enforce these laws or do not care at all,” ayon sa opisyal na pahayag ng grupo.

Sa larawang inilagay ng grupo sa social media, kitang nagkulay dugo ang tubig dagat kung saan kinakatay ng isang lalaki ang pawikan.

Sa pakikipag-ugnay ng ABS-CBN News sa organisasyon, nabatid na nangyari ang insidente noong Marso 28. Pinigilan pa umano ng kapitbahay ang lalaki pero itinuloy pa rin nito ang pagkatay sa pawikan.

Nanawagan ang grupo na bigyang pansin ito ng kaukulang ahensiya ng gobyerno, katulad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“We fear that our endangered species, like this Olive ridley turtle, are facing imminent doom and extinction if we do not change our ways," dagdag nila.

Isang oras matapos na i-post ng grupo ang mga retrato ng pagkatay sa pawikan, nakatanggap na ito ng higit sa 800 reactions at 280 shares sa Facebook.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.