PatrolPH

ALAMIN: Parusa sa mga gagawa ng kalaswaan sa pampublikong lugar

ABS-CBN News

Posted at Mar 30 2019 06:15 PM

Pinaghahanap ngayon ang isang lalaki na umano'y "exhibitionist" na na-videohang nilalaro ang kaniyang ari sa loob ng isang pampublikong sasakyan sa Bulacan.

Pero ano ang kaniyang pananagutan sa batas sakaling mahuli siya?

Ayon kay Atty. Claire Castro, maituturing na "grave scandal" ang ginawa ng lalaki, na paglabag sa Revised Penal Code.

"Wala siyang ginawa sa'yo pero bukod doon 'yung inosenteng pag-iisip diba? At kumbaga 'yung peace of mind mo ginulo ng napakalaswang aksiyon ng isang tao," ani Castro sa "Usapang de Campanilla" ng DZMM.

Hinimok ni Castro na isumbong agad sa mga awtoridad ang mga gagawa ng umano'y iskandaloso at malalaswang gawain sa pampublikong lugar.

Dagdag niya na maaaring hulihin ito ng pulis o ng isang concerned citizen sa bisa ng "citizen's arrest."

Ayon sa Revised Penal Code, maaaring makulong nang hanggang anim na buwang ang napatunayang gumawa ng grave scandal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.