Makeup artist sa Laoag City, tiklo dahil sa shabu

Grace Alba, ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2017 12:29 AM

Fredo Acoba, 29 was caught in a drug buy-bust operation on Wednesday. PNP-Laoag City handout photo

LAOAG CITY – Huli sa isang buy-bust operation sa Laoag City Miyerkules ng gabi ang isang makeup artist na tulak umano ng droga.

Kinilala ang suspek na si Fredo Acoba o mas kilala bilang 
"Freda," 29, at residente ng Barangay 55-C Vira, Laoag City.

Tiklo si Acoba matapos niyang bentahan ng isang sachet ng shabu ang isang police asset sa isinagawang buy-bust operation laban sa kanya sa Barangay 26, Laoag City.

Maliban sa ibinenta nitong shabu, nakuhanan rin siya ng isa pang sachet nito at P500 na marked money.

Ayon kay Chief Inspector Rommel Ramos, matagal na nilang minamanmanan si Acoba dahil sa iligal na droga.

"Ito nga ‘yung mino-monitor natin ang mga activities niya dahil kasama siya target sa street level ng droga so upon knowing na tuluy-tuloy ang activities nito kaya isinagawa ng kapulisan natin ng Laoag na mag-conduct ng buy-bust operation," ani Ramos. 

Itinanggi ni Acoba ang mga paratang sa kanya.

Haharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.