'Lover boy' kawatan nahaharap sa maraming kaso

Jasmin Romero, ABS-CBN News

Posted at Mar 30 2017 03:21 PM

Nagharap sa unang pagkakataon mula nang maireport ng ABS-CBN News si Myles Uy Tan at ang isa sa kanyang mga biktima sa kanilang preliminary investigation para sa kasong estafa.

Si Tan ang tinaguriang "Loverboy Kawatan," na sinasabing nakapambiktima ng mga babaeng kanyang niligawan para makakuha umano ng pera at iba’t-ibang mga ari-arian.

Di naman nagpaunlak ng interview sa ABS-CBN News si Tan.

Ayon kay Atty. Marjoseph Hernandez, ang fiscal, binigyan nila ng kopya ng complaint si Tan para makapag handa ito ng counter affidavit.

Binigyan din ng Public Attorney’s Office lawyer ang respondent dahil wala itong abogado.

Bukod sa estafa, nahaharap din si Tan sa robbery with extortion at iba pang kaso sa labas ng Metro Manila. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.