PatrolPH

Comelec, Philippine Army lumagda sa isang peace covenant para sa #Halalan2022

Johnson Manabat, ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2022 03:17 PM

MANILA - Lumipad patungong Northern Samar ang mga opisyal ng Commission on Elections para sa isang peace covenant signing para sa Halalan 2022 ng iba't ibang stakeholder.

Kinatawan ni Comelec Commissioner George Erwin Garcia si Comelec Chairman Saidamen Pangarungan sa pagharap sa mga opisyal ng Philippine Army at mga lokal na opisyal ng Catbalogan sa Samar.

Layon ng naturang peace covenant signing ang pagtiyak sa pagdaraos ng isang mapayapang halalan sa darating na Mayo 9, 2022.

Present sa naturang event sina National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon, AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino, PNP Chief General Dionardo Carlos, at Maj. Gen. Edgardo De Leon, Commander ng 8th Infantry Division ng Philippine Army.

Inaasahang magkakaroon pa ng mga kahalintulad na covenant signing ang Comelec sa iba pang mga lalawigan sa bansa para matiyak ang isang payapang halalan.

Ang official campaign period para sa local position candidates ay nagsimula noong ika-25 ng Marso, samantala noong ika-8 ng Pebrero naman ang para sa mga national candidates.

- may ulat ni Jenette Ruedas

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.