Asong na-trap sa ilalim ng cargo vessel sa Cebu, sinagip ng isang seaman

ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2022 04:54 PM | Updated as of Mar 29 2022 05:16 PM

Watch more News on iWantTFC

MANILA -- Pinuri ang isang seaman na sumagip ng isang aspin na na-trap sa rudder na nasa ilalim na bahagi ng cargo vessel sa Cebu noong Marso 18.

Ni-rescue ni Kent Lexie Bularon ang asong na-trap sa katabi nilang barko sa Danao Drydock.

Kita sa video ni Bayan Patroller Franz Brian Dalumpines ang paglapit ni Bularon sa asong tila balisa at nangangamba dahil sa sinapit nito.

Hinipo muna nito ang aso para magtiwala sa kaniya saka isinakay sa salbabida.

Naging madali na ang pagdala niya sa aso patungo sa katabing barko.

Ayon kay Dalumpines, na seaman din ng katabing barko, noong nakaraang gabi pa nila napansin ang ingay sa tubig at inakala nilang mula lamang ito sa isang isda.

"Yung aso po ay nasa may-ari na nito at okay naman po siya, inaalagaan na ng may-ari," ani Dalumpines.