PatrolPH

Town hall sa Iloilo, isinailalim sa lockdown dahil sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2021 10:22 PM

Town hall sa Iloilo, isinailalim sa lockdown dahil sa COVID-19 1
Isinailalim sa lockdown ang town hall ng Sta. Barbara, Iloilo matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang kawani nito.

Isinailalim sa lockdown ang town hall ng bayan ng Sta. Barbara, Iloilo matapos magpositibo sa COVID-19 ang anim na kawani nito Lunes.

Sa official statement na ipinalabas ni Sta. Barbara Mayor Rema Somo, magtatagal ang lockdown hanggang Abril 5, 2021.

Ayon kay Somo, ang lockdown ay nerekomenda ng rural health unit ng bayan upang bigyan daan ang disinfection, decontamination, at ang contact tracing sa mga close contact ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Nasa quarantine facility na ng bayan ang mga kawani na nagpositibo sa naturang virus.

Sa ngayon ay mayroon ng 36 na ang naitalang COVID-19 positive cases ang bayan.--Ulat ni Rolen Escaniel

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.