PatrolPH

Marawi mayor nagpositibo sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2021 07:05 PM

MARAWI CITY — Inanunsyo ni Mayor Majul Gandamra nitong Linggo ng gabi na nagpositibo siya sa COVID-19.

Ayon kay Gandamra, ito ay batay sa resulta ng kaniyang antigen test, na regular niya umanong ginagawa kada linggo bago umuwi sa pamilya.

RT-PCR test, ang tinuturing na "gold standard" sa COVID-19 testing, ang ginagamit ng Department of Health para kumpirmahin ang isang suspect case. 

Ayon kay Gandamra, nakararanas siya ng mild cough at mild body pain. 

Nagsimula na ang City Health Office sa contact tracing sa mga nakasama ni Gandamra sa nagdaang linggo.

Noong Marso 25, o 3 araw bago magpositibo, ay sumama pa si Gandamra sa pag-iinspeksyon ni Task Force Bangon Marawi (TFBM) chairman Eduardo Del Rosario sa most affected area sa Marawi City.

Nasa isang non-medical isolation unit ngayon si Gandamra. 

Ayon sa city health office, kasalukuyang may 15 aktibong kaso ng COVID-19 sa Marawi. 

KAUGNAY NA BALITA:

Watch more on iWantTFC

—Ulat ni Roxanne Arevalo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.