Retrato mula sa Datu Anggal Midtimbang local government unit
Binili ng lokal na pamahalaan ng Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao ang mga gulay na tinanim ng mga magsasaka sa bayan para ipamahagi sa mga residente, ayon sa alkalde.
Ipamimigay ang gulay sa mga residente bilang relief mula sa lokal na pamahalaan sa gitna ng krisis bunsod ng coronavirus disease (COVID-19).
Sa pagbili sa gulay ay matutulungan ng local government ang mga magsasaka ng bayan, sabi ngayong Linggo sa ABS-CBN News ni Mayor Joy Uy Midtimbang.
Kabilang sa mga tanim na nabili ay talong, okra, pipino, kalabasa, kamote tops, alugbati, at sibuyas dahon.
Bukod sa mga residente, binigyan din ng gulay ang mga sundalo, pulis at barangay tanod.
Nauna nang nakapamigay ang lokal na pamahalaan ng food packs, gamot, at hygiene kits sa mga residente ng bayan.
-- Ulat ni Arianne Apatan, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, rehiyon,Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao, gulay, relief goods, magsasaka, COVID-19