Dwarf sperm whale nakitang patay sa Southern Leyte

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2019 05:21 PM

Posibleng may ilang araw na umanong patay ang dwarf sperm whale bago natagpuan ng mga residente sa bayan ng Padre Burgos sa Southern Leyte. Larawan mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-8

PADRE BURGOS, Southern Leyte – Patay na nang matagpuan ng ilang residente ang isang dwarf sperm whale at fetus nito sa Barangay Tangkaan, Huwebes ng umaga.

Ayon sa impormasyon mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Eastern Visayas, ang inang sperm whale ay may haba na 2.8 meters. 

Napag-alaman pa na posibleng ilang araw nang patay ang mga ito nang mapadpad sa dalampasigan dahil nangangamoy na.

Sa isinagawang necropsy ng mga kinatawan ng BFAR, nabatid na maliban sa mga nakitang sugat sa katawan, may round worms at mga cyst din sa loob ng tiyan na posible rin siyang dahilan sa pagkamatay nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.