Banyaga nanaksak ng 2 sekyu sa Makati

Jerome Lantin, ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2019 04:44 PM

MAYNILA - Arestado ang isang Finn national matapos saksakin ang 2 guwardiya sa tinutuluyan niyang hotel sa Makati City nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa pulisya, nagtalo ang suspek na si Mika Kallio at mga guwardiyang sina John Rey Salinas at Racky Pernicitas sa hindi pa tukoy na dahilan.

Naunang nasaksak si Salinas bago si Pernicitas gamit ang 6 na pulgadang Swiss knife ng suspek. 

Tinangka pang tumakas ng banyaga pero inabutan ito ng mga taga-barangay.

Nasa ospital ang 2 biktima habang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek. 

Kinukuha pa ng Makati Police ang CCTV ng hotel na makatutulong sa imbestigasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.