Bahay ng mayor sa North Cotabato, ni-raid

Arianne Apatan, ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2019 04:10 PM

ANTIPAS, North Cotabato – Nasa kustodiya na ng pulisya si Antipas Mayor Egidio “Ekis” Cadungon Jr. matapos makuha mula sa kaniyang bahay ang isang bala at magazine ng pinaniniwalaang kalibre .38, Biyernes ng umaga.

Ala-6 ng umaga nang magkasa ng search warrant operation laban kay Cadungon Jr. ang pulisya kaugnay sa umano’y paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms and ammunition.
 
Unang hinalughog ang bahay ng alkalde sa bayan ng Matalam pero negatibo ito sa baril at bala.

Sumunod namang pinuntahan ang bahay nito sa Antipas kung saan nakuha mula sa loob ng bahay ang isang bala ng 9MM pistol at isang magazine ng pinaniniwalaang kaliber .38.

Naniniwala naman si Cadungon na political harassment ang insidente lalo pa’t tumatakbo siya bilang reelectionist sa bayan ng Antipas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.