Senakulo sa Mandaluyong, nauwi sa rambol

ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2018 08:39 PM

Nauwi sa bugbugan at saksakan ang tradisyonal na senakulo sa Mandaluyong Miyerkoles ng gabi.

Pinagtulungan umanong bugbugin ng 8 lalaki ang 1 lalaki sa senakulo.

Bukod sa panggugulpi, nagtamo rin ng saksak sa tagiliran ang biktima.

Nahuli naman ng barangay tanod ang nanaksak na isa palang menor de edad.

Ginagamot pa rin ang sinaksak na biktima.

Sinasabing away sa babae ang dahilan ng rambol.

-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.