Pawikan, aksidenteng nakulong sa baklad sa Palawan

Hazel Salas, ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2018 08:32 PM

Sa bigat ng pawikan, kinailangan pa ng 2 tao para buhatin ito mula sa baklad kung saan ito aksidenteng nakulong. Hazel Salas, ABS-CBN News

PALAWAN—Aksidenteng nakulong ang isang pawikan sa baklad sa karagatang sakop ng Barangay Irong-Irong sa bayan ng Brooke's Point sa lalawigang ito, Huwebes Santo.

Kuwento ng lokal na mangingisda, hinahango umano niya ang ilang isda sa kaniyang baklad nang mapansin niya ang pawikan na lumalangoy sa loob nito. 

Agad namang tumawag sa mga tauhan ng Coast Guard ang mangingisda kaya agad nakaresponde ang mga awtoridad at ligtas na napakawalan ang pawikan. 

Napag-alamang isang green sea turtle na may 18 pulgadang haba at bigat na 10 kilo ang nailigtas na pawikan. Matapos masuri ng mga eksperto, muli itong pinakawalan sa karagatan.