2 hinihinalang tulak, timbog sa QC; P2.5-M halaga ng shabu, nasabat

ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2018 09:21 PM

MAYNILA - Arestado ang 2 babaeng hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Quezon City, Huwebes Santo. 

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), aabot sa 500 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mga suspek.

Tantiya ng mga awtoridad, aabot sa kabuuang P2.5 milyon ang street value ng umano'y shabu na nakumpiska nila.--ulat mula kay Raffy Santos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.