1 patay sa pagtaob ng bangka sa Antique

ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2018 10:46 PM | Updated as of Mar 30 2018 07:29 AM

MAYNILA—Nalunod ang bodyguard ng alkalde ng Pandan, Antique nang tumaob ang sinasakyang bangka sa dagat na bahagi ng Sebaste, Huwebes Santo, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Kinilala ang nalunod na si Benedicto Dable, na sakay ng isang speedboat kasama si Pandan Mayor Jonathan Tan at 2 pang iba.

May ilan pang sakay ang bangka na hindi pa nakikilala.

Ayon kay Perlita Cinco ng PCG Antique, bandang ala-1:30 ng hapon nang tumaob ang bangka. Wala naman aniyang gale warning at maganda ang panahon nang mga oras na iyon.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.