1 patay sa karambola ng 6 na sasakyan sa Quezon

ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2018 09:36 PM | Updated as of Jan 03 2019 01:50 PM

MAYNILA—Patay ang isang drayber ng truck, habang ilang pasahero ang sugatan sa karambola ng 6 na sasakyan sa Diversion Road, Sitio Salulo, Barangay Malinao Ilaya, bayan ng Atimonan, Quezon, Huwebes, alas-6:30 ng gabi.

Ayon sa Atimonan Disaster Risk Reduction and Management Office, sangkot sa karambola ang 3 bus, isang 6-wheeler truck, isang van, at isang fish-dealer truck.

Nasawi ang drayber ng 6-wheeler na may kargang bigas, samantalang minor injuries lamang ang tinamo ng ilang pasahero.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente. Isinara rin ang Diversion Road habang hindi pa naaalis sa kalsada ang mga sasakyan.

Ang mga maliliit na sasakyan ay pinadaan sa Old Zigzag Road. Ang malalaki naman, ay pinadaan sa Pagbilao-Gumaca Road.