Konsehal patay matapos pagbabarilin sa Quirino

Kim Lorenzo, ABS-CBN News

Posted at Mar 29 2017 02:08 PM

Cabarroguis, Quirino – Patay na nang matagpuan ang isang konsehal sa labas ng kanyang bahay sa Barangay Zamaro sa Cabarroguis, Miyerkules ng umaga.

Pasado alas-sais ng umaga nang madiskubre ang bangkay ni Konsehal Alberto Binlayan.

Nagtamo siya ng tama ng mga bala sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa imbestigasyon, posibleng tinambangan ang biktima habang ipinaparada ang pick-up nito sa labas ng kanyang tahanan kagabi.

"Posibleng tinambangan talaga kasi kararating niya sa bahay niya," ayon kay Chief Inspector Walter Pasicolan, hepe ng PNP-Cabarruguis.

Inaalam pa ang motibo at pagkakakilanlan ng gunman.

"Wala kasi nakakita pero meron nakarinig ng putok ng baril kagabi. Hindi pa natin ma-establish ang motibo dahil wala naman siyang record sa atin o reklamo sa kaniya at wala rin siyang death threat," dagdag ni Pasicolan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.